The Official Website of the Municipality of Paombong, Bulacan
nav_bar_left Home
 
Main Menu
Home
For Residents
For Visitors
News
For Business
Links
Contact Us
Login Form





Lost Password?
No account yet? Register
Latest News
Newsflash
          Right at the heels of the recent Presidential Elections, Paombong prepares for the celebration of its 6th Sikad Week.  A simple yet memorable celebration is being cooked up this year.  This year's Sikad Week is doubly meaningful because it also celebrates the winning of Hon. Donato Marcos, the proponent of Sikad Week, in the mayoralty race. 
 

Mensahe ng Punong Bayan

Mayor Donato D. Marcos

Mahal kong mga kababayan:            

    
Isang masikad na pagbati mula sa bayan ng Paombong!            

    
Taong 2005 nang una kong isinigaw ang hamong ”SIKAD PAOMBONG! Ang bayan ay uusbong tungo sa pagyabong!” sa aking mga kapwa Paombongueños.   Ang hamong ito ay buong giting na tinanggap ng aking mga kababayan.   Ang nagdaang mga panahon ay hindi naging madali para sa amin.   Marami at samu’t-sari ang mga balakid
at suliranin na aming sinuong.  Ngunit sa kabila ng napakaraming limitasyon, nagawa naming makasulong tungo sa iisang misyon at adhikain.    
            

    
Ang walang pag-iimbot na suporta, panalangin at dedikasyon ng mga Paombongueños, kasama ang walang hanggang biyaya ng Maykapal, ang naging mga haligi na sumuhay sa aking pangasiwaan at nagbigay sa akin, bilang Ama ng Bayan, ng inspirasyon upang isulong ang mga proyekto at programa na nakatuon tungo sa ”sustainable development.”   At sa sama-sama at tulong-tulong naming pagsikad, nagawa naming muling mapasigla at maiangat ang antas ng aming pamumuhay.
 
           

    
Ngayon, tunay na isang napakalaking karangalan para sa akin na maging Punong Bayan ng Paombong na siyang unang nagbukas ng pintuan ng aming bayan sa buong bansa at sa buong daigdig sa pamamamagitan ng website na ito.   Sa kanyang mga pahina, tunghayan ninyo ang bunga ng aming tuloy-tuloy na papupunyagi.
 
           

    
Buong pagmamalaki ko kayong inaanyayahan na saksihan ang ganda at kadalisayan ng aming bayan.  Tahakin ninyo ang kanyang makasaysayang nakaraan at tunghayan ang yaman ng kanyang kultura ... ang kasaganaan ng kanyang kalikasan at industriya ... ang katang-tangi niyang mga mamamayan at tuklasin ninyo ang pangako at potensyal ng Paombong.
 
           

    
Mabuhay sa inyong lahat!
                                                



                                                                KGG. DONATO D. MARCOS
                                                                            Punong Bayan

 

Last Updated ( Sunday, 16 August 2009 )
 
Who's Online
Officials
Kiko.jpg
Powered by Mambo Open Source